bad trip ako nitong araw na ‘to.
this despite having a suave workout and healthy dinner last night and an awesome gym-time on Monday.
ayos naman ang gising ko. okay naman kami ng utol ko. sabi pa nga niya, bibili na siya ng laptop mamaya. shempre, na-excite ako for her. dream niya ‘yun eh – ang magka-laptop. ako, dream ko din. pero sa dami ng kailangan ko munang pagtuunan ng finances ko, isasantabi ko muna ‘yang dream na ‘yan….
naiinis ako. feeling ko, nagiging bobo na ‘ko.
gusto kong mag-break. mag-isip. ‘yung tipong ‘di ko muna iisipin kung ano ang gagawin ko pagbalik ko sa opisina…kung anong klaseng crisis management ang kailangan kong gawin. kung ano ang update sa regions. kung ang ang bago sa mga programa na handle ko. kung papaanong motivation ang gagawin ko para maganda ang bagsak ng gown na isusuot ko sa kasal ng bespren ko. kung ano’ng klaseng Zen na naman ang kailangan hugutin ko, para ‘di ako maapektuhan ng pagmumukha ng isang nilalang na ‘di ko matantiya kung tao o impakta….
gusto ko lang magsulat. magsulat ng mga bagay-bagay na nagpapasaya sa akin. magbasa ng mga libro na mag-i-inspire sa akin.
marami akong gustong gawin, pero limitado ako masyado.
minsan, ‘di ko na rin alam kung papaano pa ako hihinga.
pati ‘tong pagbo-blog ko. palaging madalian. hindi ko masalansan ng maayos mga isipin ko.
nakakainis.
‘di naman ako dating ganito.
may kung anong nilalang ang humigop ng lakas ko. ng wisyo ko sa pagsusulat. sa pagiging organisado. sa pagiging masayahin ko.
kumbaga kay Austin Powers, may nagnakaw ng mojo ko.
well, here’s hoping to fully recover that mojo and get my ass back to the heart of the one i love the most – writing.